88

By

PCIJ bayaran, ang babaho n’yo! -Duterte

Bubuwelta si Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) at patutunayang pera-pera lang umano ang lakad ng mga ito.

Sa kanyang ginawang pagbisita sa Batangas City bago ang Semana Santa, sinabi ng Pangulo na huwag maniwala sa istorya ng PCIJ kaugnay sa yaman ng kanyang pamilya.

May ilalabas aniya ito sa mga susunod na araw na magpapatunay na puro bayad ang lakad ng PCIJ.

“Huwag kayong maniwala sa Philippine Investigative. Ang babaho nyo, bunganga ninyo pati lahat na. Ang babaho talaga. May ilabas ako, maybe this week. Puro bayad yan. Anak ng p*** puro pera pera yan sila. Maniwala kayo. I’ll show you,” anang Pangulo.

Ikinagalit ng Presidente ang inilabas na report ng PCIJ kaugnay sa lumalaking yaman umano nito at ng kanyang pamilya, pati na rin ang pagkuwestiyon sa kanyang law office at negosyo sa motorshop.

Sinabi ng Pangulo na ipapaliwanag nito ang kanyang networth sa takdang panahon.

Sa nakalipas na talumpati ni Pangulong Duterte, sinabi nitong ang nanay niya ang nagsikap kaya nakapagpundar at nakapagtayo ng mga negosyong iniwan sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?