110

By ,

PBA ref Tangkion pumanaw sa kalagitnaan ng workout

Isa sa mga maaasahang referee ng PBA ang ‘di inaasahang pumanaw kasabay ng pagdiriwang ng ika-44 na taon ng liga nitong Martes, Abril 9.

Pumanaw ang siyam na taon nang referee na si Guillermo Tangkion, 47- anyos.

Sa balitang inilabas ng sports website na Spin.ph, nasa kalagitnaan ng referee’s workout si Tangkion nang bigla itong bumagsak.

Agaran naman naisugod sa pinakamalapit na ospital si Tangkion pero bigo ang mga doktor na i-revive ito.

Nagulat si PBA Commissioner Willie Marcial nang malaman ang tungkol sa pagkamatay nito dahil lahat aniya ng referee ng liga ay physically fit.

Naging referee sa PBA ang tubong Malasique, Pangasinan na si Tangkion noong 2011.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?