149
PBA mapait sa pagdagdag ng koponan

PBA mapait sa pagdagdag ng koponan

Malaki ang obligasyon sa Team Pilipinas para sa mga international competition ng Philippine Basketball Association.

Kaya malabo pa sa ngayon para sa unang Asia’s play-for-pay hoop na muling magdagdag ng team mula sa kasalukuyang 12 miyembro.

Mula kay PBA Chairman Victorico ‘Ricky’ Vargas ang pananaw.

Dinagdag niyang para sa kasalukuyang 44th season ng liga – 2019 season-opening Philippine Cup aabutin na sila hanggang Marso 2020 dahil sa paglahok ng bansa sa 18th International Basketball Federation World Cup 2019 sa China sa Agosto 31-Setyembre 15 at sa 19th Southeast Asian Games 2019 sa Nobyembre 30-Disyembre 11 sa bansa.

Kaya maski may tatlong kompanyang kumakatok sa pinto ng PBA, hinirit ni Commissioner Wilfrido ‘Willie’ Marcial, na hanggang walang go signal sa kanya ang Board, mananatiling nakatali sa 12 pa rin ang mga kasapi sa liga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?