1,252

By

PBA iimbestigahan ang sapakan sa San Miguel practice

Hindi makakalusot sa PBA ang nangyaring sapakan sa ensayo ng San Miguel sa Upper Deck Sports Center nitong Linggo ng umaga.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, kanila nang tinitingnan ang posibilidad na may maparusahan sa nasabing insidente na kinasangkutan nina Kelly Nabong, Arwind Santos, Ronald Tubid at import Dez Wells.

“Titignan natin kung may video. Kung meron, tsaka tayo magdedesisyon,” ayon kay Marcial.

Sa mga report, nagsimula umano ang fistfight ng magbigay ng solidong pick si Santos kung saan natamaan si Wells.

Nagkaroon ng kiskisan sa dalawa ngunit naging maayos din, nang biglang umentra si Tubid at sinapak si Wells.

Ginanti naman ni Nabong si Wells at dito na nagkagulo sa nasabing practice.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?