33

By

PBA head Marcial kahanay sina Yao, Silver, Pacquiao

Kasama si PBA Commissioner Willie Marcial sa 2019 10 Most Powerful People in Sports in Asia ng Fox Sports.

No. 10 ang top PBA honcho, nauna sa kanya ng ilang baitang si Sen. Manny Pacquiao.

Given na si Pacquiao, founder ng MPBL, dahil sa kasikatan nito sa mundo ng boxing.

Pero si Marcial na nasa pangalawang season pa lang niya bilang Commissioner ng PBA ay sorpresa sa listahan.

“It’s an honor na mapasama tayo du’n sa listahan nila. Malaking karangalan talaga ‘yun,” ani Marcial sa Cuneta Astrodome Miyerkoles gabi.

Patunay lang ito sa lakas ng impluwensiya ng PBA sa Pilipinas at sa Pilipinos na kilala sa pagkahilig sa sport.

Unang professional basketball league sa Asia ang PBA na nagsimula noong 1975.

Una sa listahan si Gianni Infantino ng FIFA, kasunod sina Chatri Sityodtong ng ONE Championship, No. 3 si NBA Commissioner Adam Silver.

No. 4 ang bagong FIFA president na si Hamane Niang, sunod sina John Malone ng Formula One, No. 6 si Hemang Amin ng Indian Premier Legue.

Nasa ibaba ni Pacquiao si Chen Xuyuan ng Chinese Football Association.

Nasa itaas lang ni Marcial sa No. 9 si dating NBA star at Hall of Famer Yao Ming ng China.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?