36
PBA D-League: Scorpions tinambakan ang Wangs
By ,

PBA D-League: Scorpions tinambakan ang Wangs

Nilampaso ng Centro Escolar University (CEU) Scorpions ang Wangs Basketball Couriers, 116-72, mas lalo pang mapatatag ang kapit nito sa top seed ng Foundation Group ng 2019 PBA D-League, Martes sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Pasimuno si Tyron Chan sa opensa nang ibuhos nito ang 23 sa 32 points nito sa first half at may sahog pa itong 10 rebounds, limag assists at apat na steals.

Nakapitan din ng tropa ang Senegalese na si Maodo Diouf na may ambag na 20 points, 16 rebounds at walong assists habang may 16 markers at limang rebounds si Judel Fuentes.

Matapos ang 76-67 one-game loss nito kontra SMDC-NU noong nakaraang linggo, balik ang angas ng Scorpions na unang minuto pa lang ay umalagwa na nang irehistro ang 38-17 run at itarak ang 7-1 na karta.

Dinomina ng CEU ang buong laro at halos umakyat pa sa 47 ang bentahe nito maging ang rebounding department ay dinomina nila, 66-43.

“We got derailed sa NU and we didn’t take care of things in the second half,” wika ni coach Derrick Pumaren. “Ngayon, we made sure to take care of things.”

Tinapos ng Couriers ang kanilang kampanya hawak ang fifth straight loss bitbit ang 3-6 na baraha.

May 12 points sina Daryl Singontiko, Rey de Mesa at Julian Pallatao para sa Couriers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?