44
tim-cone-1

PBA calendar biglang nagbago, Ginebra namroblema

Dahil sa biglaang pagbabago ng schedule ng PBA, kakailanganin ng Barangay Ginebra na makahabol sa ensayo matapos paagahin ang kanilang unang laro.

Ayon kay Ginebra head coach Tim Cone, napasobra ang kanilang break dahil akala umano nng kanilang koponan ay sa January 19 pa ang kanilang unang salang sa liga.

“Our only problem right now is we took a break and we didn’t expect to be playing January 13. We thought we’ll be playing 19 so our break was a little bit too long,” pakli ni Cone matapos ang kanilang morning session.

Magsisimula ang kampanya ng Ginebra kontra sa Talk N Text KaTropa sa Enero 13, isang linggo na lang mula ngayon.

Kaya naman naghahabol na sa ensayo ang koponan na nagkakaroon na ng dalawang training session kada araw para maagarang makondisyon.

“We’re like making habol right now. We’re trying to get back in shape in time for our first game. We’re doing two a day practices and we’ll work on our conditioning and we’ll be ready by that time,” ayon pa sa multi-titled coach. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?