90

By

Pawala na tumbok ko – Bata

Nag-iisip nang magretiro ni Efren ‘Bata’ Reyes matapos magkasya lang sa bronze medal sa men’s 1-cushion carom ng billiards event sa 30th Southeast Asian Games.

“Hindi ko alam kung magre-retire ako o hindi, pero siguro malapit na,” saad ng 65-anyos na ‘The Magician’ matapos daigin ni Dinh Nai Ngo ng Vietnam, 100-14.

Inamin ni Reyes na kumupas na ang kanyang mahika.

“Siguro ’yung tira ko noong araw, kaya ko siya,” sambit nito patungkol kay Dinh.

“Kaya ko naman dati. Kaya lang ngayon hanggang dalawa na lang ako. Pabago-bago na tira ko. Pawala na,” sabi nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?