105
Pavlovic niyari ang PH 3X3: ‘Malayo kayo sa estilo namin’
Apr 2, 2019 @ 17:54
By ,

Pavlovic niyari ang PH 3X3: ‘Malayo kayo sa estilo namin’

May bagong dagdag sa lakas ng Pasig Grindhouse Kings at 1Bataan Risers na sasalang sa kauna-unahang Chooks-to-Go 3×3 Asia Pacific Super Quest ngayong weekend sa SM Megamall Fashion Hall.

Makakasama nina Joshua Munzon, Taylor Statham at Troy Rike ng Pasig si dating Novi Sad Alwahda player Nikola Pavlovic sa kampanya nito sa torneo at ayon sa kanya napakalayo pa ng nilalaro ng Pilipinas sa ligang ito sa istilo ng Serbia.

“To be honest, really far but I think this is a good opportunity to grow Philippine 3×3 basketball especially here in Manila. I think our team is motivated to play in front of the Filipino people,” wika ni Pavlolic.

Samantala, magkakaroon ng guest player at import ang 1Bataan Risers nina Alvin Pasaol at Santi Santillan. Makakasama ng dalawa si dating World Cup player Karl Dehesa ng Vigan Baluarte Wolves at Amerikanong si Travis Franklin, na naglaro na sa G-League squad Colorado State Rams.

Bagaman bago para kay Franklin ang maglaro sa 3×3 kumpiyansa pa rin ito na kaya niyang makatulong sa 1Bataan dahil sa kanyang malawak na karanasan sa basketball.

“It’s different but it’s an open game. At the end of the day, it’s basketball and I love this game,” sabi ni Franklin, na huling naglaro sa Lebanese club na Al Mouttahed Tripoli ngayong taon.

Nasa Pool C ang Pasig at kasama nito sa grupo ang Absolute 3×3 Basketball ng Chinese Taipei at Jakarta West Bandits mula Indonesia habang nasa mahigpit na Pool B ang 1Bataan kasama ang Tokyo Dime.exe ng Japan at Anytours M1 ng Hong Kong.

Ang magkakampeon sa torneong ito ay may ticket na para sa FIBA 3×3 World Tour Masters Doha mula Abril 18 hanggang 19 at sa Challenger Series sa Penang, Malaysia mula Mayo 12 hanggang 13.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?