135

By

Paulo willing makatrabaho ang ex na si KC Concepcion

Isa si Paulo Avelino sa mga aktor na talagang mahusay umarte.

Pero marami ang nagsasabi na kahit ang galing-galing niya, eh, nahahanay pa rin siya sa mga ‘underdog actor.’
Mailap daw na mabigyan siya ng magagandang project na gustung-gusto niya.

Nag-celebrate si Paulo ng 10th year niya sa showbiz. Sa isang piging, sinabi ng actor: “It comes to a point when you get to realize na parang gusto ko nang magpahinga talaga. I think hindi dahil sa akin, pero ang hirap na hindi ko nagagawa ang mga gusto kong gawing pelikula… kesyo ganito, kesyo ganyan. Parang gusto ko nang mag-retire sa totoo lang.”

Pero nilinaw ng actor na porke sinabi niyang gusto nang mag-retire ay gagawin na niya. Feeling lang daw niya ‘yun.
Gusto lang daw kasi niyang makapagbigay ng kabuluhan sa industry. ‘Yung gagawa siya ng pelikula hindi para sa box-office stand kundi ang maipagmamalaki ng industriya.

“Parang gusto kong gumawa ng pelikula at projects at my own pace,” aniya.

Samantala, sinabi rin ni Paulo ibig niya muling makatrabaho ang ex-girlfriend na si KC Concepcion. Okey din daw maging ang iba niyang nakarelasyon.

“Wala naman akong problema to work with any of them as long as maganda ‘yung proyekto,” sambit ng actor.
May pelikulang ipalalabas si Paulo ang “Goyo” at may upcoming teleserye din siya sa Kapamilya network, “The General’s Daughter” with Angel Locsin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?