138
Paulo Avelino umaming nagtangkang mag-suicide
By

Paulo Avelino umaming nagtangkang mag-suicide

Binunyag ni Paulo Avelino na nagtangka na siyang magpakamatay noon.

Sinariwa ito ni Paulo sa kanyang Twitter nitong August 1 matapos mamatay ang kaibigan niya dahil sa suicide noong 2018.

“I’ll let this out to the universe since I promised not to keep heavy feelings to myself. One of my closest friend committed suicide last year and no one saw it coming,” panimulang kuwento ni Paulo.

Aniya, sa subok niyang mag-suicide ay naospital siya at ang namatay niyang kaibigan ang naging karamay niya noon.

“A few years back I tried (attempted) committing suicide.I survived. No one really knew aside from my closest friends and he was one of them,” aniya.

“He would switch shifts with a friend to stay with me in the hospital and even when I got discharged, just to make sure I wasn’t stupid enough to do it again,” dagdag pa niya.

Ang naturang kaibigan umano niya noon ang kanyang “go-to person” kapag bagsak na bagsak siya, na isa sa rason ay dahil sa kanyang anak kay LJ Reyes na si Aki.

Nagsisisi naman siya na hindi niya nagawa ang pagsuporta na iyon sa kanyang kaibigan kahit alam niyang mangyayari ang pagsu-suicide nito.

“That one message you sent the night before [you] passed away, I brushed off in a joking manner,” saad ni Paulo sa namayapang kaibigan.

Sa kabila ng nararamdamang guilt, pinasalamatan nito ang kaibigan na sumagip sa buhay niya.

“I am living because of the hope and wisdom you engraved in me,” sabi pa ni Paulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?