287

By

Paulo Avelino Fil-Australian ang bagong jowa

Panalo na sa career, panalo pa sa love life ang poging aktor na si Paulo Avelino.

Kamakailan ay nag-celebrate sila ng Filipina-Australian model girlfriend na si Jodie Elizabeth Tarasek, 22, ng kanilang first anniversary.

Nilantad na rin ni Paulo totally ang girlfriend sa ginagalawan niyang mundo ng showbiz.

Kasama ng aktor ang GF sa premiere night ng ‘Goyo: Ang Batang Heneral’. Though modelo ang job ng Fil-Aussie GF ay camera-shy pa rin siya.

Description ni Jodie sa kanyang social media account ay ‘introvert-extrovert’. Meaning mahiyain nga pero mapagkaibigan naman.

Nag-start sa modeling si Jodie noong six years old siya. Nag-aral ng psychology. Nagustuhan niyang manirahan dito sa Pilipinas.

Aniya sa isang interbyu: “It’s all different and that excites me.” Host din ng MTV Asia ang Fil-Aussie model.

After ng ‘Goyo’ movie, binati ni Jodie si Paulo sa husay na pagganap bilang si Heneral Gregorio del Pilar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?