1,998

By

‘Patunay ng dayaan’, pre-shading ng mga balota nakuhaan ng video

Trending ngayon sa social media ang video na inilabas ng Kabataan partylist kung saan ay makikitang nagkaroon ng pre-shading ng mga balota na maaari umanong patunay na nagkaroon ng dayaan sa eleksyon.

Ibinahagi ng Kabataan Partylist sa kanilang Facebook page ang naturang video kung saan ay ipinapakita ang mga balotang minamarkahan ng isang babaeng hindi ipinakita ang mukha sa video.

Ayon sa post ng Kabataan partylist, naganap ang naturang pre-shading ng mga balota sa Lanao del Sur at ito ay ibinahagi lamang sa kanila ng isang Facebook user.

Nanawagan umano ang naturang partylist sa Commission on Elections na agad na imbestigahan ang naturang pandaraya.

Ayon naman sa komento ng ilang netizen, lumang balota na raw ang ipinakita sa video at hindi ito ang mga balotang ginamit sa katatapos lamang na midterm elections.

Samantala saad naman ng ilan, peke umano ang mga balotang ipinakita sa video dahil hindi naman ganoon ang itsura ng ginamit na balota sa eleksyon 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?