31

By

Patuloy na pag-iral ng TRAIN Law, pinapipigil sa SC

Muling iginiit ng Makabayan bloc sa Korte Suprema na magpalabas ito ng temporary restraining order (TRO) laban sa pag-iral ng kontrobersiyal na Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Ito ay sa reply na inihain ng mga mambabatas sa ilalim ng Makabayan bloc sa Korte Suprema bilang tugon sa komento ng Office of the Solicitor General (OSG) sa isinulong nilang petisyon laban sa constitutionality ng TRAIN Law.

Giit ng mga petitioner, mismong ang Korte Suprema na rin ang nagsabi sa isa nitong desisyon sa kaso ng Dumaguete Cathedral Cooperative vs CIR na ang kapangyarihan na magpataw ng buwis ay maaaring pangibabawan ng prinsipyo ng social justice.

Anila, anuman ang uri ng buwis na nais ng estado na ipatupad, dapat ito ay hindi lumalabag sa inaasam na pambansang ekonomiya na pag-abot sa patas na distribusyon ng pagkakataon, kita at yaman.

Naniniwala rin ang mga petitioner na maituturing na “regressive tax” ang TRAIN Law.

Sa ilalim ng regressive tax, bumababa ang ipinapataw na buwis sa mga produkto at serbisyo na mas mataas ang halaga.

Punto nila, taliwas ang regressive taxation sa itinatakda ng Konstitusyon na ang sistema ng pagbubuwis ay dapat na maging progressive kung saan ang buwis ay tumataas kapag tumataas din ang halaga ng produkto, serbisyo at kita.

Dahil dito, maituturing umanong unconstitutional ang TRAIN Law. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?