998
magdalo-gary-alejano
Jun 6, 2018 @ 15:09
By

Patuloy na kriminalidad sa lansangan

Isa pa sa mga ipinangako ni Pangulong Duterte sa mga Pilipino noong tumakbo siya bilang ay ang linisin ang lansangan sa krimen. Ito ang pangunahing layunin umano ng kanyang administrasyon sa paglulunsad ng giyera kontra ilegal na droga na mahigit 20,000 buhay na ang napatay.

Ngunit, sa mga nakalipas na linggo, marami ang mga napabalitang patayan at nakawan sa lansangan na tila nakakaligtaan na ng ating kapulisan at siyang sinasamantala ng mga masasamang-loob. Hindi ramdam ang police visibility sa mga lansangan kaya kahit sa tanghaling tapat, pinatay ang limang buwang buntis na si Atty. Madonna Joy Tanyag, Assistant State Prosecutor ng Office of the Ombudsman, sa Barangay Vasra, Quezon City.

Bago ang pagpatay kay Atty. Tanyag, ilang prosecutor din ang inambush at napatay ng mga pinaghihinalaang hired killers tulad ni Quezon City Deputy Prosecutor Rogelio Velasco sa Barangay Holy Spirit. Inambush at napatay din si dating Ozamiz City Prosecutor Geronimo Marave Jr. kamakailan lang at noong Abril, pinatay din ng mga hinihinalang hired killers si Father Mark Ventura sa Gattaran, Cagayan pagkatapos magmisa.

Tila nagpipista ang mga hired killers sa kakulangan ng atensyon ng mga pulis sa kaligtasan ng mamamayan at walang tumatanod sa mga lansangan na hadlang sana sa mga krimen. Ang mas mataas na police visibility ay maaaring maging sagot sana sa problemang ito.

Sa kabila ng libu-libo nang napapatay na pinaghihinalaang drug addict ng mga pulis at riding in tandem, hindi pa rin naidedeliber ng administrasyong Duterte ang pangakong magiging ligtas na ang mga lansangan sa mga kriminal. Isa itong pagpapaalala na hindi lamang war on drugs ang kailangang tutukan ng Philippine National Police (PNP).

Batid natin na marami pa ang kailangang ayusin sa PNP bilang isang institusyon. Dahil sa war on drugs, nagkaroon ng mga malalaking dagok sa pagreporma sa ating kapulisan. Nawa’y sa ilalim ng bagong pamumuno ay maresolba ito partikular na ang paglilinis sa kanilang hanay at ng buong organisasyon. Mula dito ay maaari na ring isulong ang pagpapalakas ng pwersa ng pulisya at pagpapabuti ng kanilang mga kagamitan at pasilidad.

Hangad natin ang isang kapulisan na tunay na maninilbihan at magtatanggol sa taumbayan at hindi iyong nagiging kasangkapan ng patayan sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?