475

By

Patrol car in-ambush ng NPA sa Samar, pulis patay

Todas ang isang pulis habang sugatan naman ang lima nitong kasama matapos ang ambush ng mga armadong komunista sa Borongan City, Eastern Samar.

Ayon sa mga awtoridad, mga miyembro ng New People’s Army ang umutas sa kasamahang pulis nitong Biyernes ng hapon.

Saad pa, miyembro ng Eastern Samar 1st Police Mobile Force Company ang napaslang na pulis na hindi pa pinapangalanan.

Dahil sa nasabing pananambang, suspendido muna ang klase sa Eastern Samar State University para mapanatiling ligtas ang mga estudyante.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , , ,