62

By

Patricia Javier magbibigay ng reward para sa nawalang iPhone 11

Nakiusap si actress Patricia Javier sa sinumang nakakuha ng iPhone 11 niya na magbibigay siya ng cash reward maibalik lang sa kanya ang cellphone.

Kuwento ni Javier sa Pep report, Huwebes ng gabi nang maiwan niya ang cellphone sa sinakyan niyang taxi.

Mahalaga aniya sa kanya ang mga litrato ng kanyang mga anak na nasa cellphone na regalo sa kanya ng mister niyang si Dr. Rob Walcher.

Kinailangan niyang sumakay ng taxi noon para makapunta kung saan naka-park ang sasakyan niya dahil sa sobrang lakas ng ulan.

Galing umano siya sa Halloween party ni Tim Yap sa Makati at pauwi na noon.

“Kung sino man ang nakakuha, please, pakibalik na lang,” sabi ni Javier.

Hindi nag-iwan ng contact number si Javier sa Pep report pero binahagi niyang may clinic ang asawa niya sa San Lorenzo Village sa Makati.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?