451
Patong sa ulo ng mga killer ni Christine Silawan, itinaas sa P2M
By

Patong sa ulo ng mga killer ni Christine Silawan, itinaas sa P2M

Umabot na sa P2 milyon ang reward sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng mga salarin sa pamamaslang kay Christine Lee Silawan.

Ito’y matapos mag-ambag si Presidential Assistant to the Visayas Michael Dino ng P100,000.

Nangako rin umano si Philpost Chairman Norman Fulgencio na magbibigay ng dagdag na P100,000.

Ang ibang nalikom na pera ay mula sa Lapu-Lapu City government (P1 million), isang dayuhan na nakabase sa Leyte (P500,000), Cebu Provincial Council for the Welfare of Children (P200,000) at Police Regional Advisory Council (P100,000).

Maliban sa dagdag na reward ay iniabot din ni Dino ang tulong pinansiyal mula sa Office of the President na P20,000 sa pamilya ng biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?