80

By

Patola talaga! Mga pulis nagoyo ng nagdadramang ibon

“Let me out!” – ang narinig na daing ng isang kapitbahay, kaya agad na rumesponde ang mga pulis…sa isang parrot.

Natawa na lang ang mga pulis sa Palm Beach County Sheriff’s Office sa Florida nang malaman na isang ibon at hindi babaeng biktima ang sumisigaw pagdating sa bahay ng may-ari.

Sabi ng may-ari, ayon sa post ng pulisya, tinuruan nito si “Rambo” na sumigaw ng “help, help, let me out” noong bata pa siya.

Pinakilala rin ng may-ari ang 40-anyos na ibon sa babaeng kapitbahay na tumawag sa mga pulis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?