19

Jun 14, 2020 @ 16:17

Pato nagkunwaring nasagasaan

Isang pato ang tila magaling sa acting nang aktong dadaan na ang isang sasakyan papalapit sa kanya.

Sa Twitter video ni Rex Chapman, isang pato ang naispatan na natutumba-tumba habang nakaharang sa dadaanan ng isang sasakyan.

Tatlong beses natumba ang nasabing pato, na ayon sa caption ni Chapman ay tila parang katulad ng isang scam ng mga tao na sadyang nagpapasagasa para sa pera.

“Check out this bird attempting to run the old insurance scam,” ayon kay Chapman.

Hindi naman natuwa ang ilang netizen dahil tingin ng mga ito ay injured ang nasabing ibon at kailangan ng tulong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?