62

By

Patay sa lindol sa Albania, 23 na

Sumampa na sa 23 katao ang nasawi sa malakas na lindol sa Albania noong Martes, Nobyembre 26 habang daan-daan pa ang sugatan.

Ayon sa United States Geological Survey, ang 6.4 magnitude na lindol na tumama sa European nation na may lalim na 20 kilometro ang pinakamalakas na tumama sa Albania sa nakalipas na 40 taon.

Naitala ang sentro nito sa port city ng Durres.

Apat ang nasawi mula sa Durres, isa sa Thumane habang ang isa naman ay matapos tumalon sa isang gusali sa Kurbin matapos mag-panic.

Namatay naman ang isa pang biktima habang sakay ng kanyang sasakyan at binabaybay ang damaged road sa Lezhe.

Samantala, 45 katao naman ang na-rescue mula sa nag-collapse na mga gusali.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?