15

Mar 26, 2020 @ 8:22
By

Patay sa coronavirus lampas 20,000 na

Karamihan sa 20,599 kaso ng kamatayang dulot ng COVID-19 sa daigdig ay naitala sa Europa.

Sa kinolektang datos ng Agence France-Presse hanggang Marso 24, 2020 ng gabi (GMT), nasa 7,503 na ang pumanaw sa sakit sa Italya. Naitala ang kanilang unang kaso ng pagkamatay mula sa sakit bandang dulo ng Pebrero.

Sinundan ito ng Spain (3,434 kamatayan), mainland China (3,281), Iran (2,077), at France (1,331).

Marso 24 (GMT) din naitala ang unang kaso ng pagkamatay mula sa coronavirus ng Jamaica, Cameroon, Estonia at Niger.

Sa Pilipinas, hanggang Marso 25 ng hapon, 38 na ang kumpirmadong ginupo ng COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?