147

Pastor hinihinalang nag-suicide, insecticide natagpuan malapit sa katawan

Isang pastor ang natagpuang patay sa sakahan sa Umingan, Pangasinan nitong Miyerkoles.

Ayon sa report, isang nagngangalang Rodolfo Bacdayan, 49-anyos, pastor sa Church of God sa San Quintin ang namataan sa Barangay Batan bandang alas-otso ng umaga.

Hinihinalang nagpakamatay si Bacdayan matapos may makitang insecticide malapit sa kanyang walang buhay na katawan.

Aalamin pa ng pulisya ang tunay na kaso ng kanyang pagkamatay.

Sinasabing nagpatiwakal si Bacdayan dahil sa problema sa pamilya. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?