27

By

Passenger terminal ng Legazpi Airport wasak kay ‘Tisoy’

Malubhang napinsala ng bagyong Tisoy ang passenger terminal ng Legazpi City Airport.

Nasira ang pader ng passenger terminal matapos bayuhin ni “Tisoy” noong Lunes ng gabi at Martes ng umaga ang lalawigan ng Albay.

Samantala, operational naman ang airport runway at tower nito, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines.

Magpapatuloy ang operasyon ng airport sakaling maglabas ng clearance ang CAAP team na nagsasagawa ng assessment sa nabanggit na airport.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?