102

By

Pasok ba sa “Most Beautiful Faces 2019” ang idol mo?

Trending na naman sa Twitter ang nominasyon sa pinakamaganda at pinakapoging mukha sa buong mundo ngayong 2019, na sinimulan ng grupong TC Candler & The Independent Critics noong 1990.

As of 3:48 pm, 18.7K na ang nag-tweet sa “#100mostbeautifulfaces2019”habang 12.9K naman sa “#100MostHandsomeFaces2019”.

Kada taon, naglalabas ang TC Candler ng mga listahan ng “100 Most Beautiful Faces” at “100 Most Handsome Faces”na naging phenomenon na rin sa bansa.

“The List is not popularity contest and is most definitely not country specific. It is not about the sexiest body or the most famous celebrity. Rather, the list attempts to inform & broaden public opinion instead of reflecting it,” ayon sa website ng TC Candler.

Higit 100,000 mukha umano ang sinasala ng grupo kada taon.

Ninomina ng Filipino netizens para sa taong 2019 sina Kathryn Bernardo, Angel Locsin, Maine Mendoza at Nadine Lustre at Blackpink member Kim Jisoo.

Para naman sa kategoryang pang-lalaki, ilan sa tinulak ng netizens sina James Reid, Alden Richards, at mga miyembro ng Korean groups na BTS,

Ilan sa mga nangunang mukha noong nagdaang taon sina Liza Soberano, Im Jin-ah, at Thylane Blondeau.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?