89

By

Pasilip sa LA Big 3? Kyrie, LeBron, Davis magkakampi

Kaabang-abang ang parating na 2019 NBA All-Star game na gaganapin sa Charlotte.

Sa draft para sa lineup nina LeBron James at Giannis Antetokounmpo, masasaksihan ang muling pagsasama ni James at kanyang dating kakampi sa Cleveland na si Kyrie Irving.

Matatandaang napaulat na bukas na muling maging kakampi ni Irving si LeBron, na nagbunga ang duo sa kampeonato para sa Cavs. Free agent na sa susunod na season si Irving.

Bukod pa rito, dapat ding abangan ang team up ni James at Anthony Davis, na matatandaang gustong magpalipat sa Los Angeles Lakers mula New Orleans Pelicans ngunit napurnada.

Sabak pa para sa Team LeBron sina Kawhi Leonard, na dati ring napabalitang gusto sa Lakers, James Harden, Kevin Durant, Klay Thompson, Damian Lillard, Ben Simmons, Karl Anthony Towns, Lamarcus Aldridge, Bradley Beal at Dywane Wade.

Para naman sa Team Giannis, magpapakitang-gilas sina Joel Embiid, Steph Curry, Paul George, Kemba Walker, Khris Middleton, Nikola Jokic, Blake Griffin, D’Angelo Russell, Nikola Vucevic, Kyle Lowry, Russell Westbrook at Dirk Nowitzki.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?