315
Pasay City may bago nang alkalde
By

Pasay City may bago nang alkalde

Iprinoklama na ng City Board of Canvassers ng Pasay City si incumbent Congressman Imelda Emee Calixto-Rubio bilang bagong alkalde ng lungsod matapos makakuha ng 121,391 votes.

Ginapi niya ang kapatid ni Megastar Sharon Cuneta na si Chet Cuneta na mayroon lamang 35,784 votes.

Sa pagka-bise alkalde naman ay nagwagi si Boyet del Rosario (116,653 votes) laban kay Richard Advincula (49,785 votes).

Nanalo naman bilang kongresista si incumbent Pasay City Mayor Tony Calixto na mayroong 136,519 votes kumpara sa katunggali na si Elmer Mitra na nakakuha lamang ng 12,662 votes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?