357

By

Pasaway na Talisay vice mayor binalaang iaalay sa Taal Volcano

Nagbabala si Calabarzon Police Director Police Brig. General Vicente Danao Jr. laban kay Talisay, Batangas Vice Mayor Charlie Natauan sa pangungumbinsi nito sa mga residente ng kanilang bayan na magsibalik na sa kanilang mga tahanan.

Sinabi ni Danao na mananagot si Natauan sa batas kapag may nangyaring masama sa mga residente ng Talisay kung sakaling may makinig sa bise alkalde at kung mapahamak ang mga ito sa pagputok ng bulkan.

“Nakikiusap ako kay Talisay Vice Mayor Charlie Natanauan na tumulong na lang at huwag nang mag-udyok sa mga residente na bumalik,” saad ni Danao.

Matatandaang kinuwestiyon ni Vice Mayor Natanauan si Phivolcs Director Renato Solidum dahilan sa prediksyon nito sa nakaambang malakas at mapanganib na pagsabog ng bulkang Taal.

“Diyos ka ba?” kuwestiyon ng vice mayor kay Solidum na iginiit na walang makapagsasabi sa pagputok ng Taal volcano at iginiit na opinyon lamang umano ng opisyal ang sinasabi nito pero iginiit ng Phivolcs na base ito sa Science.

“Kapag bumalik ang mga ‘yan (mga tao) at may nangyaring masama, pag inabot kitang buhay (Vice Mayor Natanauan), iaalay kita sa Bulkang Taal,” babala ng heneral sa bise alkalde.

Inihayag ng opisyal na nauunawaan naman niya na sobrang stress ang bise alkalde matapos na maapektuhan ang bayan nito sa phreatic explosion ng Taal Volcano noong Enero 12 pero hindi nito dapat ilagay sa peligro ang kanyang mga nasasakupan sa pamamagitan ng paghimok sa mga ito na bumalik na sa kanilang lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?