29

Jun 4, 2019 @ 16:50
By ,

Pasaol, Franklin, Dehesa, De Chavez wildcard sa 2019 FIBA Moscow 3×3

Ibabandera muli ng Pasig Chooks ang kanilang lineup habang may tinapik namang bagong player ang Balanga Chooks sa pagsabak nito sa 2019 FIBA 3×3 Tinkoff Moscow Challenger sa Hunyo 7-8 sa Russia.

Papasok sa torneo ang Pasig bilang seeded team at pangungunahan ito nina Joshua Munzon, Nikola Pavlovic, Taylor Statham at Dylan Ababou.

Sa huling 3×3 tourney ng Pasig na 2019 Kunshan Challenger sa China, bigo itong makapasok sa main draw nang lasapin ang 0-2 na baraha.

“Two weeks ago, we experienced two crushing losses in Kunshan. It is natural na we are disappointed. But beyond that, it showed what we are still lacking to compete with the world’s best,” sabi ni Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 league owner Ronald Mascariñas.

“And I can guarantee that our players are mentally and physically ready for this tournament.”

Samantala, naimbita sa torneo ang Balanga Chooks bilang isang FIBA wildcard, at sina Alvin Pasaol, Travis Franklin at Karl Dehesa pa rin ang babandera sa tropa kasama si Valenzuela gunslinger Chris de Chavez.

Nasa Group Round 2-B ang Pasig kahanay ang world no. 3 na Riga Ghetto at Antwerp ng Belgium habang sasabak muna sa qualifiers ng torneo ang Balanga para makalusot ito.

Kailangang maalpasan ng Balanga ang Odessa Basket ng Ukraine at Moscoe Inanomo ng Russia para umabante ito sa Pool Round 2-C kasama ang Gagarin ng Russia at Gdańsk Energa 3×3 ng Poland.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?