92
Pasaol, 1Bataan Risers pokus sa Super Quest
Apr 4, 2019 @ 18:13
By ,

Pasaol, 1Bataan Risers pokus sa Super Quest

Bagaman kinulang para maselyuhan ang slot sa 2019 FIBA 3X3 World Tour Masters Doha, may pagkakataon pa rin ang 1Bataan Risers na makalusot sa torneo matapos makapasok sa kauna-unahang Chooks-to-Go Asia Pacific Super Quest.

Isa ang 1Bataan Risers sa dalawang tropa na kakatawan sa Pilipinas sa Super Quest matapos mag-runner-up sa Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 President’s Cup.

“Sobrang tuwa din namin dahil kasama pa rin kami sa Super Quest,” sabi ni Alvin Pasaol.

Hindi magiging madali ang kampanya ng Risers dahil kasama nila ang Pool B ng torneo ang Anytour M1 ng Hong Kong, na ibabandera ang tatlong Amerikanong manlalaro, at Ulaanbaatar, tumapos ng eight place sa 2018 FIBA 3X3 World Cup.

Papangunahan nina Pasaol at Santi Santillan ang Risers kasama ang dalawang reinforcement na sina Karl Dehesa at Amerikanong si Travis Franklin.

“I’m very excited to be back on this stage and see some familiar faces. The environment is going to be electric. I’m just excited to face the top competition in the region,” wika ni Dehesa.

Kahit malakas ang makakatapat, nangako ang Bataan na hindi sila susuko at gagawin lahat para makalusot sa World Tours ngayong Abril.

“Expectation ko lang talaga yung pagiging physical nila. Pero nandito yung pagkakaisa namin. Kami ni Alvin magkakampi kami sa liga, si Kuya Karl naman ang dami niyang experience, tapos si Kuya Travis iniinvolve niya talaga kami,” dagdag ni Santillan.

Ang tatanghaling kampeon sa Asia Pacific Super Quest ay makakasikwat ng ticket sa FIBA 3X3 World Tour Masters Doha at Challengers series sa Penang at makakapaguwi ng $20,000.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?