852

By

Pasaklolo kay Lolit: Kris gustong nang magkateleserye

Nadismaya si Lolit Solis nang makansela ang entry sana ni Kris Aquino para sa Metro Manila Film Festival.

Sa post ni Lolit, sinabi nito na sayang at napurnada pa ang pelikula na sana’y magandang tambalan nila ni Gabby Concepcion.

Matatandaan na sinabi ni Kris na nakansela ang pelikulang ‘Kampon’ dahil hindi umabot ang kanilang request para magpalit ng lead actor.

Si Derek Ramsay sana ang kanyang katambal sa nasabing pelikula, ngunit nag-withdraw sa nasabing project at napaso na ang deadline sa pagpapalit ng aktor.

Sa reply naman ni Kris, sana raw ay mabigyan siya ng teleserye ng Kapuso network bilang kahalili ng napurnadang pelikula.

“Maybe kagaya ng pag negotiate mo for me ng Star Talk before, you can negotiate w/ @gmanetwork a teleserye, same slot as ika-6 na autos na super sinubaybayan namin? #faith” sey ni Kris.

View this post on Instagram

Para naman naglaro ang kapalaran kay Kris Aquino ha Salve. Excited pa naman siya magbalik trabaho at bagay naman sa pagbabalik niya ang napili niyang project na Kampon, kung bakit nagkaroon ng hitches ito. Maganda din naman ang ipinalit nila kay Derek Ramsay na si Gabby Concepcion pero siguro nga dahil sa bilis ng mga pangyayari nakalimutan nila ipadala agad ang letter informing the commitee nang pagpapalit ng leading man. Grabe ang bilis ng pangyayari kaya I can just imagine ang frustration ni Kris. Sayang dahil talagang parang itinakda iyon project sa pagbabalik tambalan nila ni Gabby na siyang nagsimula ng showbiz career niya tapos heto pa ang magiging ending. Siguro naman maayos ang lahat dahil hindi naman akalain magkakaroon ng problema kay Derek. Saka dapat dahil sanay na si Atty Joji sa pagsali sa festival alam na niya ang mga sinusunod na panuntunan kaya dapat naayos agad ito. Well, usually naman mga setback na ganito is for the better baka mas maganda ang kalalabasan, malay natin. Wait na lang tayo. #classiclolita #takeitperminutemeganun #72naako

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?