350

By

Pasahero pinapak ng alakdan sa eroplano

Nambulabog ang isang scorpion o alakdan sa flight na patungong Atlanta, US.

Sabi sa ulat sa USA Today, ilang beses nakagat ng alakdan ang pasahero noong Biyernes bago ito nalaglag sa pantalon ng biktima na nakasakay ng isang United Airlines flight mula San Francisco patungong Atlanta.

Agad komonsulta sa MedLink physician na nasa ground ang crew ng eroplano matapos malaman na nakagat ang isa sa mga kustomer nila sa flight 1554.

Nang lumapag ang eroplano sa Atlanta, sinalubong ang biktima ng mga medical personnel saka dinala sa ospital.

Hindi ito ang unang beses na nagdulot ng panic ang isang alakdan sa flight.

Nito lang Pebrero, isang pasahero ang nakunan ng video ang isang alakdan habang gumagapang palabas ng basurahan matapos lumanding ang Lion Air flight sa Indonesia. (

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?