1,163
philippine-airlines
By

Pasahero ng PAL, namatay sa gitna ng flight

Isang pasahero na sakay ng Philippine Airlines (PAL) flight mula Canada ang namatay sa kalagitnaan ng biyahe.

Ayon sa Manila International Airport Authority, isang 63-anyos na babae ang idineklarang patay habang sakay ng flight PR-117. Taga-Batangas umano ang babae.

“At around 4:57 a.m. yesterday, Sept. 9, 2019, MIAA Medical team responded to medical assistance for arriving passenger of Philippine Airlines flight PR 117,” saad sa report ng MIAA-MAD.

“Airline crew said that the passenger was already weak when boarding in the aircraft. History revealed that patient has a breast cancer with kidney and bone metastasis. Upon arrival of flight, patient was seen and cleared by Quarantine Medical officer on duty,” dagdag pa rito.

Sa inisyal report mula sa airport medical team, cardio-respiratory arrest etiology end stage renal failure umano ang sanhi ng pagkamatay ng pasahero.

Samantala, iimbestigahan umano ng PAL ang naturang insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?