55
Pasahero itinumba sa loob ng jeep sa Pasay
By

Pasahero itinumba sa loob ng jeep sa Pasay

Binaril ang isang lalaki habang sakay ito ng pampasaherong jeepney sa FB Harrison sa Barangay 13, Zone 4 sa Pasay City.

Kinilala ang biktima na si Jordan Cabarrubias, 35, na kasama ang asawa niya nang itumba ng suspek na sakay ng motorsiklo noong Marso 6.

Nakilala lang ang suspek sa mga alyas na Kadar o Catar, na residente rin umano ng nabanggit na lungsod.

Agad na tumakas sakay ng motorsiklo ang suspek matapos barilin ang biktima sa ulo at katawan nito.

Nadala naman sa Pasay City General Hospital si Cabarrubias pero idineklarang dead on arrival.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?