75

By

Pasado sa ex-NBA player! Andray Blatche todo-puri kay Kai Sotto

Pinabilib ng NBA hopeful na si Kai Sotto ang dating nakatungtong na sa international league na si Andray Blatche.

Magkasama ang dalawa bilang magkakampi para sa Mighty Sports sa 2020 Dubai International Basketball Tournament, at sa ngayon ay puro papuri ang mabibigkas ni Blatche tungkol sa Pinoy phenom.

“He’s got high basketball IQ,” ayon kay Blatche.

“It’s basically off smartness and feel for the game—the spaces, the cuts, and the screens. He should be good,” saad pa ng dating NBA journeyman na naging Gilas naturalized player.

Sa ngayon ay irerepresenta ulit ni Blatche ang Pilipinas, move on man ang Gilas Pilipinas sa kanya ay mananatili namang household figure sa local basketball scene.

“I don’t expect to come back here without getting a championship in Dubai. We got the right pieces, the right players and a good situation going on,” saad nito.

Sa January 23 magsisimula ang pagsalang ng Mighty Sports sa Dubai, makakasama din nina Kai at Andray ang ilang bigating pangalan tulad ni Puerto Rican national team member Renaldo Balkman, Thirdy Ravena, Dave Ildefonso, at magkapatid na Juan at Javi Gomez de Liano.

“I think it’s a great mix. I think they did a wonderful job putting this team together. All the guards and the bigs. It’s going to be exciting and fun,” saad nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?