195
ABANTE gretchen diamond
By

Party party! Gretchen nagdiwang sa pagkabasura ng kaso ni Kris vs Falcis

Sumasayaw-sayaw si Gretchen Barretto para ipagdiwang ang ikalawang pagbasura sa qualified theft case ni Kris Aquino kontra sa dating business manager nito na si Nicko Falcis.

Matapos mabasura ng kaso sa Makati, sumunod naman ang sa Pasig City Prosecutor’s Office noong February 26.

Sa Instagram post ni Greta, kita ang kagalakan nito kasama ang ilang mga kaibigan.

“Thanksgiving celebration for our dearest @nix722 @jesusfalcis” saad sa caption ni Gretchen.

Maririnig naman sa video na nag-congratulate si Gretchen sa pamilya nina Falcis.

“This is a thanksgiving get-together for Nix Falcis and the mom, congrats, and Atty. Jesus Falcis, congratulations,” aniya pa.

View this post on Instagram

Good morning 💕

A post shared by Gretchen Barretto (@gretchenbarretto) on

Sa hiwalay na post, kita rin ang pagbubunyi ng aktres sa nabasurang kaso kontra kay Falcis.

“God is an awesome God & is just @nix722 @jesusfalcis 2 dismissed cases” ayon sa post ni Gretchen. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?