129

By

Parks, Ravena iba pang PBA star, bilib sa Raptors

Unang Finals appearance ng Toronto sa franchise history, nasa rurok na agad sila ng tagumpay.

Isang panalo na lang ang kailangan ng Canada-based squad para madala sa kanilang bansa ang Larry O’Brien trophy, posibleng mangyari lalo’t dalawang home game pa ang nasa bulsa ng Raptors.

Sa PBA naman, bumuhos ang papuri ng ilang PBA star sa Raptors, sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa kung sakali ay ang pinakamalaking underdog story sa prestihiyosong liga?

Matapos kubrahin ng Raptors ang Game 4, 105-92 win, saad ni NLEX guard Kiefer Ravena na bagama’t naging matinik ang mga star player ng bawat koponan tulad nina Kyle Lowry at Kawhi Leonard para sa Toronto, Steph Curry at Klay Thompson naman sa Golden State, isang manlalaro ang dapat parangalan sa panalo ng Raptors.

“But game ball goes to Serge Ibaka. He was making great basketball plays the whole game,” ayon kay Ravena sa ginawang 20 points, four rebounds at dalawang blocks sa 21 minuto ni Ibaka.

Si Blackwater rookie Ray Parks Jr naman, tingin ay history in the making ang ginagawa ng Raptors kontra sa two-time defending champs GSW.

“Them boys up north out here making history,” puri naman ni Parks.

Nabigla naman si San Miguel guard Chris Ross sa tila nawalang angas ni Curry sa three-point land.

“Curry is hesitating on threes. Never seen him do that,” pagpuna ni Ross. Sa laban, dalawang tres lang ang naipasok ni Steph sa siyam na bato.

Maikli ngunit mababanaag naman ang paghanga ni NorthPort neophyte Robert Bolick kay Leonard nang humarabas ito sa third canto at bumigkis ng 36 points, 12 rebounds at four steals.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?