606

Feb 16, 2020 @ 18:49
By

Park sinara dahil sa mga ahas na nagse-sex

Kakaiba ang naging rason ng isang parke sa pagsasara matapos mag-report ang isang residente tungkol sa nangyayari sa loob ng lugar.

Hindi na muna tumatanggap ng bisita ang City of Lakeland Parks sa Florida matapos malaman na ilang mga ahas ang nagtipon-tipon para sa kanilang taunang pagtatalik para magparami.

“It appears they have congregated for mating,” ayon sa Facebook post ng City of Lakeland Parks and Recreation Department.

Sinara muna ng mga opisyal ang parke para maging proteksyon sa mga bibisita, ngunit nilinaw naman na walang dapat ipangamba ang mga residente dahil walang lason ang mga ahas, na napag-alamang Florida water snake.

Sinabi rin na hindi naman matapang ang mga ahas basta’t hindi gagambalain.

“They are generally found resting in tree limbs over water or basking on shorelines. They are an important part of the ecosystem and should not be disturbed,” saad pa sa pahayag.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?