417

Jun 29, 2020 @ 19:21
By

Pari positibo sa COVID: Quiapo Church naka-lockdown!

Sinarado ang Quiapo Church matapos na magpositibo sa COVID-19 ang isang pari.

Ayon kay parochial vicar Fr.Douglas Badong, nagsimulang i-lockdown ang Quiapo Church noong June 19 matapos na tamaan ng virus ang isang pari.

Nanatili sa nasabing simbahan ang pari sa kabuuan ng community quarantine, at nang payagan na ang pagbiyahe ay kaagad na bumalik sa Mindanao at doon na nagpa-test para sa COVID-19.

June 13 nang magpositibo sa virus ang nasabing pari, kaya dahil dito ay hindi pinayagan na makalabas ang mga pari at tauhan sa Quiapo Church.

Sa July 4 matatapos ang lockdown sa nasabing simbahan, kung saan sinasagawa ang mga misa sa pamamagitan lamang ng screen na nakalagay sa labas.

Ayon pa kay Fr. Badong, nagpa-test na ang mga pari at staff ng simbahan at nagnegatibo naman sa virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?