33

May 23, 2020 @ 20:29
By

Paretiro na: James Yap asam ang kampeonato sa ROS

May kakulangan pang nararamdaman si James Yap sa kabila ng marami na niyang nasungkit na PBA titles at MVP awards.

Dahil papalapit na siya sa pagreretiro sa PBA, isa lang ang wish ni Yap: ang magbaon ng kampeonato sa kasalukuyan niyang koponan na Rain or Shine.

Ani Yap sa panayam sa 2OT podcast, ito na ang ikatlong taon niya sa Rain or Shine at umaasa siyang kahit isang championship lang ay maiuwi nila.

Mayroon nang pitong kampeonato si “Big Game James” sa Purefoods franchise kabilang na nga ang Grand Slam noong 2014.

Pero simula nang mai-trade siya sa Elasto Painters ay hindi pa nakakaabante sa championship round ang koponan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?