756

By

Parang si Thor! Bong Go trinato akong tao – Kris Aquino

Sa pagdepensa ni Kris Aquino sa kanyang kapatid na si dating Presidente Noynoy Aquino, kanya ring ipinabatid ang pagrespeto sa Hugpong ng Pagbabago senatorial candidate na si Bong Go.

Sa isyu nang paninisi ng campaign manager ni dating Liberal Party presidential bet Mar Roxas na si Caloocan Rep. Egay Erice, sinabi ni Kris na hindi ito natalo dahil sa knayang kapatid.

“You lost not because of ‘Batman’. You lost because you were no match for ‘Iron Man’,” ayon kay Kris sa kanyang Instagram post.

“I BELIEVE BONG GO is THOR,” dagdag pa niya sa dulo ng post.

Isang netizen naman na si manhika98 ang bumwelta kay Kris, dapat umano ay maging maingat si Kris sa kanyang mga sinasabi at malayo umano ito sa legacy na iniwan ng mga Aquino.

Sumagot naman si Kris, sinabing wala siyang nakikitang mali sa papuri kay Go dahil nang magkaroon umano ng isyu sa pagitan nilang dalawa ay agad na humingi ng despensa ang kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte at hindi na ulit inulit ang pangyayari.

“Sa mundo ng pulitika ngayon na walang pakialam sa pagiging tao at makatao- sa lahat ng pag tatraydor na naranasan ko- BONG GO HAS TREATED ME LIKE A HUMAN BEING,” balik ni Aquino.

Papanindigan din umano niya ang pagtingin kay Go, ngunit ilang oras matapos ang post ay kanya itong binura.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?