37

Feb 14, 2020 @ 17:22
By

Parang magsyota na lang ang kasal: Cayetano ayaw sa divorce

Isa si House Speaker Alan Peter Cayetano sa mga mambabatas na hindi sang-ayon sa divorce.

Sa mass wedding ng 80 magkarelasyon sa Parañaque, sinabi ni Cayetano na bagama’t alam niyang may mga kasalan na nauuwi sa pagmamaltrato tulad ng pananakit o panggagahasa, hindi umano solusyon ang divorce para matugunan ito.

“My personal view, na hindi ko naman ini-impose sa buong Kongreso, is that once na mag-divorce ka, ang pupuntahan na noon, no fault divorce,” ayon kay Cayetano.

“Ibig sabihin, ang kasalan, parang magsyota lang. Parang mag-boyfriend-girlfriend,” aniya pa.

Saad pa ni Cayetano, mayroon namang ibang magagawa para masolusyunan ang problema sa mag-asawa.

“I would rather we study bakit napakahirap kumuha ng annulment. Di ba? Or any other kind of dissolution of marriage that will still protect the marriage.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?