34

By

Parang hindi tao! Dakdak ni Wooten, pang-akit sa mga NBA team

Kung magtutuloy-tuloy ang magandang performance, hindi malayong makatungtong sa NBA ang G League player na si Kenny Wooten.

Ayon kay Ian Begley ng SNY, maraming koponan sa NBA ang nahumaling kay Westchester Knicks forward na si Wooten, na kakaiba ang athleticism.

“Wooten is on a G League contract with Westchester, so he can sign a 10-day contract with any NBA team at the moment. Multiple teams outside of the Knicks have expressed an interest in signing Wooten recently, per league sources,” saad ni Begley.

Sa ngayon, si Wooten ay nagba-viral din sa mga highlight dunks nito at block na nag-aaverage ng 3.6 na tapal kada laro, pangalawa sa liga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?