161
Para sa Tokyo 2020 Olympics: Philippine flag ginawang anime

Para sa Tokyo 2020 Olympics: Philippine flag ginawang anime

“Kung sino ang tahimik, siya ang mapanganib.”

‘Yan ang naging caption ng World Flags organization nang gawin nitong anime character ang bandila ng Pilipinas.

Ang World Flags ay isang website na ginawa para ma-promote ang Tokyo Olympics na gagawin sa 2020.

Pinangalanang Rizal, suot nito ang kulay ng bandila ng bansa na red, white, blue at may araw pa na simbolismo sa bandera.

Kasama din ang isang pamaypay na may flag motif.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?