1,158

By

Para sa pera: Mister ininom ang breast milk ni Miriam Quiambao

Dahil sa hamon ng kanilang anak na si Joshua, ininom ni Ardy Roberto, ang asawa ng dating beauty queen na si Miriam Quiambao, ang breast milk ng kanyang misis.

Sa Instagram post ni Miriam, papunta ang dalawa sa Bali at sinabing kanya dapat ipu-pump and dump ang tatlong ounce ng breast milk ngunit naisip na ipainom na lamang ito sa kanyang asawa.

“Planning to pump and dump but hubby says he might as well have a taste,” she said in the video.

Ininom ni Roberto ang gatas matapos isalin sa basong puno ng yelo, kung saan tinikman din ni Quiambao.

Sa una ay tila nagdadalawang-isip pa ang mister na inumin ang ‘express milk’, ngunit nang mainom na ito ay nasabing ito’y ‘ice cold’.

Paliwanag ni Roberto, bibigyan siya ng P5,000 ng kanyang anak kapag ininom ang gatas mula kay Quiambao.

“I’m actually doing this because my son dared me to do this. He said he’d pay me P5,000 if I drank his mom’s express milk. So Joshua, you owe me P5,000.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?