50
Para sa peace talks: 6 hostage pinakawalan ng NPA
By

Para sa peace talks: 6 hostage pinakawalan ng NPA

Pinalaya ng New People’s Army (NPA) ang anim na militiamen na dinukot ng mga ito noong nakaraang taon sa Barangay San Juan, Bayugan City, Agusan del Sur.

Ayon kay National Democratic Front of the Philippines-Mindanao spokesperson Joaquin Jacinto, ito umano ay para magpakita ng “gesture of goodwill” sa kabila na hindi sinususpinde ng gobyerno ang operasyon ng militar.

Ang pagpapalaya umano sa mga hostage ay pagpapatunay na bukas sila sa pagpapatuloy ng peace talks.

Kinilala ang mga pinakawalan noong Pebrero 14 ng hapon na sina Eddie J. Tindoy, Benbinido A. Lamyon, Hermilito M. Iligan, Julian B. Gabiola Jr., Sony M. Malubay at Marson C. Iligan

Dinukot sila matapos masakop ng mga rebelde ang isang military detachment sa Barangay New Tubigon, Sibagat, Agusan del Sur noong Disyembre 19, 2018.

Itinurn-over na umano ang mga militiamen sa 401st Infantry Brigade sa Purok 12-A, Poblacion, Sibagat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?