53

May 22, 2020 @ 9:56

Para sa mga sisiw: Inahin pumalag sa cobra

Nakuha ng isang inahin ang atensiyon ni dating NBA player Rex Chapman.

Sa video, makikitang palapit ang isang cobra sa grupo ng isang turkey, mga sisiw ng manok at pato.

Nakipagtuos ang turkey sa ahas hanggang maialis niya lahat ng mga sisiw sa sulok.

“A mother’s courage is limitless,” tweet ni Chapman.

Giit naman ng mga netizen, planado ang animal abuse video at dapat burahin ng dating basketbolista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?