25

By

Para sa mangga, elepante tinawid ang pader

Tila taong sinubukan ng isang malaking elepante na tawirin ang isang pader para makapunta sa isang puno ng mangga roon.

Sa mga larawang kuha ni Ian Salisbury, General Manager ng Mfuwe Lodge sa South Luangwa National Park, Zambia, makikita ang pagsubok ng bull elephant na inaakyat ang isang 5-foot na pader nang hindi natatapisod ni bumabagsak.

Nakuhanan din ni Andy Hogg, managing director ng The Bushcamp Company na may-ari ng lodge, ng video ang nasabing attempt nitong Enero 2020.

Bigong makasungkit ng mangga ang elepante dahil out of season na ang mga mangga, na kadalasang matatagpuan sa nasabing lugar bandang Oktubre hanggang Disyembre.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?