276

By

Para sa BTS! Arci Muñoz sumugod sa Japan kahit naka-wheelchair

Hindi nagpapigil si actress Arci Muñoz para makita ang K-pop group na BTS.

Nagtungo sa Japan si Arci para sa “fan meeting” concert ng BTS sa ZOZO Marine Stadium noong weekend.

Dumating si Arci sa Tokyo noong Nov. 21 nang naka-wheelchair dahil may injury siya pero hindi nito tinukoy kung anong injury.

“Walang makakapigil kahit injured na fangirl sa pag fafangirling,” sabi niya sa Instagram post.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?