401

Para patunayang walang anorexia: Maxene Magalona nag-bikini!

Maraming mga netizen ang nakapansin sa payat na pangangatawan ni Maxene Magalona na tingin nila’y may problema ito sa kanyang kalusugan.

Sey ng ilan, posibleng anorexic o hindi na kumakain ang aktres, na pinabulaanan ni Maxene sa kanyang Instagram.

Nag-post si Maxene ng kanyang larawan suot ang two-piece bikini para patunayang hindi siya buto’t balat at healthy pa ang pangangatawan.

Binahagi rin niya ang kinakain para maibsan ang pag-aalala ng mga netizen.

“So many people have been asking me if I still eat, so I thought of sharing with you one of my meals — vegan lasagna!” ayon kay Maxene.

“Not that I need to explain myself but since a lot of people have been assuming that I’ve become anorexic or even bulimic, I thought of posting this to put their minds at ease,” aniya pa.

Sa ngayon ay abala si Maxene sa pagyo-yoga na naging certified instructor kasama ang kanyang asawa na si Rob Mananquil.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?